CLICK HERE FOR BLOGGER TEMPLATES AND MYSPACE LAYOUTS »

malapit na . . .

Friday, May 30, 2008

Thanks to you!

Hay, tama din ang nakasulat sa picture na ito,
napakahirap at masakit na maging malapit sa taong mahal mo na alam mong hindi magiging sa iyo. :(

Ang hirap ng umaasang sana maging kayo.
kala ko, katapusan ko na,
hindi pa pala...

May isang taong dumating sa buhay ko na muling nagpabago ng pananaw ko sa buhay.
Ang saya na muli ng mga bawat araw ko na lumilipas.

Sana hindi sya mawala gaya ng iba, ayoko ng maiwan eh.
Dati pa lang nasanay na akong napapaligiran ng maraming tao, pero hindi eh.
Sa iilang tao lang ako komportable.

Hay, ngayon, nasasabi ko nanaman...
napakasarap mabuhay.

Iba talaga nagagawa ng pag-ibig!
Nagkakaroon ako ng liwanag na nakasisilaw kahit saang kadiliman!

Salamat sa Diyos! Ako ngayon ay muling nabuhayan!
Salamat at binigyan nyo ako ng isang kagaya nya sa buhay ko na ito.
Sana wag sya malayo sa akin kagaya ng nangyari sa iba.
(0_o)